Nice photo?
Posted by hoylian at 1:31 am in Uncategorized

ene2bday-086.jpg

hehehe..Ito po ay kuha ng digital camera na hiniram ko lamang sa bespren kong raquel noong martes, ika-labing walong ng septyembre. Sila po ay ang aking mga kaopisina na nagtungo sa mismong kaarawan ng aking unikang hija na si ELIANA NICOLE SANGO ENGBINO. Siya ang nagdiwang ng ika dalawang taon sa Mcdonalds. Ngunit subalit datapwat, sa likod ng kahirapan na aming natamo buhat noong umalis ang kanyang ama na si Eric patungong Hongkong para lamang sumakay ng barkong KGold. Hindi ko po sukat akalain na magkaroon ako ng relasyong pangtelepono kumbaga. Minsan nang ako’ y mag-isa sa aming bakuran hindi ko mapigilang umiyak dahil sa kalungkutang aking nadarama noong panahon na yoon. Oo, nagsasakripisyo siya para sa aming kinabukasan. Ngunit hindi ko na makaya ang kalungkutang ito. Hindi ko lubos maisip na habang tumatagal ay mas lalong lumalayo ang loob naming mag-ina sa pinakamamahal kong asawa.

Dito na lang muna dahil kinakaylangan ko pang idaos ang mga natitirang oras ko para ako ay makapasa man lamang ng mensahe sa kanya.























Leave a Comment