Archive for October, 2007
11
Nang naka pag graduate na ako isang malapit na kaklasi na nagngangalang clarice., siya ang palaging kasama ko noong 4th year high school ako… maraming nagsabing kami na raw pero para sa akin ay hindi, ramdam ko ito na para kay clarice ay parang kami na…. Palagi siyang pumupunta sa aming bahay,… Hindi ko lamang ito pinansin dahil para sa akin iisa lamang ang dapat mag may ari ng aking puso… Hindi mahirap mahalin si Clarice dahil siya ay mabait… isang araw pinuntahan ako ni clarice sa aking bahay dahil s agusto niyang sabay kami pumunta sa paaralan… nang nasa kanto na kami at nag aabang ng sasakyan hinawakan ni clarice ang aking mga kamay, at sa oras ding iyon nakita kami ni sweet. Hindi ko alam na nasa isip ni sweet na may iba na ako ny hindi ko siya hinitay….
Nakalimoyan ko na maraming matatalik na kaibigan si sweet sa aming paaralan ang binabalita pala ito sa kanya. Laking tala ko nalang ng sinabi na ni Hannah na may kasintahan na si sweet… Masakikt iyon para sa aking apat na taon akong naghintay para sa kanya… pero di ko masisi ang aking sarili dahil hinayaan ko na maging malapit kami ni clarice…
Pero hindi parin ako sumusuko sa labang iyon…. Nang isang araw kaarawan ko noon, natutulog ako ng sinurpresa ako nila sweet at iba ko pang kasamahan sa simbahan… nandoon din si clarice… nakikita ko sa mga mata ni sweet na pagkaselos kahit hindi pa kami nararamdaman ko iyon, hanging na niyaya ako ni clarice na lumabas, makalimutan ko na kami pala ni sweet ang dapat na lumabas noong…
10
Sa halip ay pinagbutihan ko ng maigi ang aking pag-aaral…. Paulit ulit kong sinabi sa aking sarili ano man ang mangyari ay hinding hindi ako bsusuko sa mga hamon na dadading sa amin…
Isang araw ang aking tita ay pumunta sa bahay umiiyak… binalita na namatay na ang aking pinsan dahil sa sakit na likemya….. lahat kami ay nagulat sa balitang iyon. Sa murang edad ng aking pinsan ay binawian na siya ng buhay…. Nanging masakit sa amin ang bagay na iyon dahil sa ang pinsang naming iyon ay mabait at mapagmahal sa kapwa kung sino pa ang mabait siya pa ang inuuna ng Diyos…
Matapos iyon. Balik normal nanaman ang lahat…. Nang makatapos ako ng 3rd year at 4th year high school isa itong malaking accomplishment sa akin… sa kadahilanang ako lamang sa aming pamilya ang nakatapos ng high school at gusto ko itong ipagpatuloy sa aking kolehiyo…. Nang nakatapos na ako duon naman ang aking dalawang kapatid na babae na nabuntis ng kanilang mga nobyo… Hindi ko lubos maisip kung panu magawa ng aking mga kapatid yon sa amin…. Huminto ang aking dalawang kapatid sa pag-aaral hanging sa nag asawa nalang sila. Saksi ako sa hirap ng buhay na pinagdadaanan nila… Nasasabi ko nga na hindi madali ang mag asawa ng maaga, hindi naka tapos ng pag-aaral at higit sa lahat ano ang kinabukasan na ibibigay mo sa iyong nagiging anak… kung sino pa itong lalaki sa amin ako pa ang palaging nagpapaalala sa kanila…
9
Â
Nang sila sweet na ang magprepresenta ng kanilang isasayaw nilapitan ko siya, ningitian ko at sinabihang good luck…
Masaya ang pasasalamt naming iyon… Isang pagdidiwang hinding hindi malilimutan…
Pasok na naman sa paaralan, hindi maiiwasan ang maraming bayarin sa paaralan, habang naglalakad ako papasok ng paaralan ay sinalubong ako ng aking guro sa isang asignatura at tinatanong ang aking kapatid na si mic2 hindi raw ito pumapasok… dahil doon kinausap ko ang aking kapatid…
Isang issue na sa paaralan sa aming dalawa kung sino pa raw ang babae siya pa ang hindi pumapasok… Hindi nagging madali sa aking para tangapin ang mga paratang na iyon ng aking kamag-aral…
No comments8
Kinagabihan noon ay kinausap ni sweet si Hannah sa aking binabalak na ligawan siya…. Akala ko ay tuluyan ko nang mapapasagot ang babeng akin ninanais. Pero ang sabi ni sweet kay Hannah ay …. “kung makakapaghintay siya sa akin, s ngayon wala pa sa aking isipan ang pagrerelasyon isa pa mga bata pa tayo, pero kung makakapaghintay siya sa akin sisiguradohin kung siya ang lalaking makakapag may ari ng puso ko…….” Dahil doon hindi ako nagdalawang isip na na hintayin ang tamang panahon upang sagutin ako ni sweet…. Pero di maiiwasan na maopatingin ako sa ibang babae…
Hindi nagging madali ang paghihintay kung iyon…. Pero inisip ko din ang reaksyon ng magulang ni sweet kapag nalaman na isang tulad ko lamang ang nagiging kasintahan ng kanilang anak….
Kaya naman simula noon ay malapit na kami sa isat isa ni sweet nagging magkaibigan… Kung minsan nga himihiram ako ng libro sa kanya, at sa tuwing ibinabalik ko ito may isang rosas na nakaipit sa loob…. Ang corney ko noh????
Panahon ng bakasyon iyon, nang dumating ang aking lola galing hawaiii… mashaso kaming nabigla sa pagdating nyang iyon hindi ito nagpasabi ay gusto niya kaming supresahin sa pagdalaw sa amin ng aking lola… Nang sinama naming ang aking lola sa aming simbahan labis niya itong ikinatuwa dahil sa wakes nalagay na rin ang buhay nmin na may Diyos na palaging kasama at gumagabay sa amin….
Anebersaryo nun sa aming simbahan…. Abala ang lahat sa paghahanda sa pagdating ng araw ng pasasalamat…. Hindi mawawala ang maraming presentasyon ng ibat ibang groupo ng mga kabataan sa simbahan….
7
Nang nasa second year high school na ako mas lalo kong pinag igihan ang aking pag-aaral…
Umaga noon ng papunta akong paaralan ng makasabay ko sa sasakyan si sweet. Hindi siguro nya ako nakita kaya hindi nya ako pinansin… kasi naman eh may kausap siyang lalaki ewan siguro kaklasi nya…. Nang nag second year na ako pumasok sa aking isipan bakit di ko kaya siya ligawan??? Alam kong isang torpe ako pagdating sa babae ayaw ko kasi ng babaeng inuunahan ako…. Mas gusto ko yung di ako pinapansin para ako ang gumawa ng paraan para pansinin nya ako.
Naarawan noon ng aking kapatid na si Ate Step… 18 birthday niya, at isa si sweet sa mga panauhin ni Ate noon. Doon ako nakahanap ng pagkakataon upang magsabi sa kanya. Nang nakita ko siya pababa ng sasakyan laking tuwa ko hindi ko malaman ang nararamdaman kong iyon.
Nakaupo siya sa isang tabi katabi ang kanyang matalik na kaibigan na si Hannah… Tumabi ako sa kanya pero hindi ako nakapag salita…. Nang tumayo siya para kumuha ng pagkain, nang bumalik na siya hindi parin ako nakapagsalita natameme talaga ako sa knya… hahahay…
Natapos ang gabi nang hindi ako nakapagtapat kay sweet… Kaya naman humingi na ako ng tulong sa kanyang mtalik na kaibigan na si Hannah… Isang araw kinausap ko si Hannah tungkol kay sweet. Nang nag-uusap na kami di ko alam kung bakit ako pinagtatawanan ni Hannah….. Sabi pa nya bingo…. Tama raw siya na may pagtingin ako sa kanyang kaibigan…. Doon lang ipinagtapat sa akin ni Hannah ang lahat na may gusto din pala si sweet sa kin pero tinatago lang nila ito….
6
Gabi na naman, hindi alam ng lahat and isang trahedya na dadaan sa aming lahat. Natutulog na ang lahat ng may biglang sumabog, maraming nagising sa pagsabog na iyon… Nang biglang isang malaking apoy ang gumulat sa aming lahat, lahat ng tao ay nagsilikas sa kanilang bahay, bit bit ang kanilang mga gamit. Kuryente and gahilan ng sunog. Salamt sa Diyos at ang sunug na iyon ay hindi nakarating sa aming tahanan. Laking pasalamat ko sa Maykapal at iniligtas nya kami sa trahedyang iyon.
Hindi naglaon ay nakabangon ang mga taga roon sa aming sa nasabing sunug, talagang makapangyarihan ang maykapal.
Buwan ng Marso, pista sa amin, dahil sa hindi nananiniwala ang aking ama at ina sa pista ng mga santo, hindi kami nag handa o nag diwang sa nasabing pista… at ang araw ding iyon ay wala akong perang pang gastos papuntang simbahan upang mag insayo ng drums. Tinawag ako ng aking kaibigan upang sumali sa basketbol at may premyo na 60 pesos taga isang taong mananalo sa basketbol, di ako nagdalawang isip para sumali sa larong, iyon…. Hindi nagging madaling talohin ang mga kalaban sa kadahilanang silay malalaki at napakataas tumalon.
Sa punttong iyon hindi ko na inaasahan na kami ay mananalo, pero dahil sa three points ko nanalo kami, laking tuwa ko at ng aking mga kasamahan sa nagawa kong iyon….
Nang matangap ko ang pera dali dali ako pumunta sa simbahan upang mag insayo ng drums… di ko inaasahan ang aking hinahangaang babae ay nandoon pala. Nag-iinsayo din sila ng kanilang sayaw para sa lingo, ang Diyos at ang babaeng si sweet ang nagging inspirasyon ko sa lahat ng bagay sa akin, hindi man umaasang balang araw ay papansinin nya ako pero Makita siya ay sapat na sa akin.
5
Pero ng lumaaon nanging magkaibigan kami ni sweet. Si ate step ang isa sa mga malalapit na kaibigan ni Sweet. Pero si Mic2 di nya gusto si sweet ewan ko dun kung bakit. Maraming kaibigan si sweet na classmate ko kaya nagtanong ako kung ano ba talaga si sweet bilang kaibigan nila. Isa sa mga classmate ko nagtaka bakit raw gusting suto ko si sweet eh meron naman raw mga mas maganda pa sa kanya. Â Natanong ko rin yun sa aking sarili pero hindi ko maipaliwanag kung bakit.
Maraming mga pacontest asa aming paaralan ang nagdalaan mg MS. And MR. Crush ng Campus. Ang aking mga kamag-aral at ang aking guro ay gusto akong pasalihin pero ako ang nagpumilit na hindi kasi wala akong sapat na compyansa sa aking sarili.
Isang araw umuwi ako sa aming bahay, nagtaka ako sa kung bakit parang may gulo sa aming bahay, ang aking kapatid na si Mic2 ay sinasaktan ng aking ama. Hindi na matiis ni ama ang ginawaga ni Mic2 hindi pumapasok sa paaralan at palagi nalang sumasama sa kanyang mga kaibigan, naglalasing at minsan hindi umuuwi. Sabi ko sa aking sarili hindi hinding ko siya tutularan.
No comments4
Nang nasa ika limang baitang ako sa elementarya, nandon parin ang paghanga ko sa babaeng ioyon. Kahit na marami akong babaeng nakikilala pero di mawala mawala sa aking isipan ang babaeng ginawa kong inspirasyon sa aking pag-aaral.
Kahit kaunti nakakaahon naman kami sa mga problema namin sa aming pamilya. Ang aking mga kapatid ay sa isang pangpubliko lamang nag-aaral sa kadahilanang walay sapat nap era si ama at ina para sa amin.
Nag tapos ako ng elemntarya isa ito sa pinakasamayang araw na nangyari sa buhay ko… Pero ang aking kabatid na si mic2 ay naka pagtapos din kaya mga lang sabay kami, isa kasi siya sa mga tinatawag na “chay” sa aming paaralan pero ibahin nyo po ako sa kanya…..
Sa pagtatapos naming iyon, naisipan ni ina na I enroll kami sa isang pampublikong paaralan ulit. Ako at ang aking kapatid na si Mic at ate Step ay sa F. Bangoy nag-aaral. Pinag-igihan ko ang aking pag-aaral.
Paburito ko talaga ang araw na lingko kasi dahil sa walang pasok, ito din ang araw na pupunta kami sa simbahan para magsimba. At sympre nakikita ko naman yung babaeng hinahangaan ko. Ang pangalan nya ay SWEET. Bagay sa kanya ang kanyang pangalang sa kadahilanang ang kanyang mga ngiti ay mapakatamis. Hindi nya alam na may pag-hanga ako sa kanya. Pero noon pa man hindi nya ako pinapansin.
Nanging masaya ang aking high school. Ang mga kamag-aral ko sa ay high school kay nagging kamag-aral din ni Sweet nang nasa elementary siya. Akala ko nga na iisa lamang ang paaralan aming papasukan pero hindi pala. Pinasok siya ng kanyang mga magulang sa isang pang prebadong paaralan isang hapones na paaralan.
3
Lumaki kaming may takot kay ama, baka magalit siya sa amin kung may nagawa kaning
mali at sasaktan ny kami….
Nag-aral ako ng elementary sa Osmenia, paaralang malapit sa amin. Duon ako namulat at natutu sa mg bagay bagay. Sa murang edad mo di maiiwasan humanga sa mga babae doon pero nasa akin na ang pagiging torpe. Sabi raw nila may ka gwapohan ako pero hindi ako naniniwala sa kanila kasi sa tuwing tumitingin ako sa salamin, iba ang kakikita ko. Isa ako sa mga leader sa aming paaralan, parte ako sa tinatawag nila na boy scout. Masaya ako sa panahonn ng elementarya ko, maraming kaibigan, at hindi maiiwasan kung mga bata nandon talaga ang away away sa mga bata.
Piso lamang ang baon ko noon. Kaya naman nilalakad ko lang pauwi at paunta paaralan. Hindi nagging madali sa akin ang ganung pamumuhay. Kaya naman pinag-igihan ko ang aking pag-aaral para naman baling araw makatulung ako sa akin pamilya at para maka pagtayo ng sariling pamilya.
Nasa ika apat ako na baitang sa elementary ng lumipat kami ng simbahan isang Pentecostal na simbahan kung saan tuloy tuloy na talaga ang bagbabago ng aking ama. Lingo noon, paasok kami sa aming bagong simbahan, masaya doon ang mga tao, hindi pangit ang ugali, at itinuring nila an gaming pamilya bilang part eng kanila. Nang papasok na kami sa simbahan, una kong nakita ang isang babaeng, payat, may nhiti na matamis ang maamong mukha, humanga agad ako sa kanya.
Isa ang babaeng iyon sa mga mananayaw sa simbahang nitutuluyan naming ngayon. Sa murang edad ko noon hindi ko pa matatawag na pag-ibig ang nararamdaman ko kasi nga di ko pa alam ang ibig sabihin noon. Isang malaking tulong talaga ang pasisimba naming doon.
No comments2
Nagtratrabaho lamang ang aking ina sa isang kalinderia, bit bit si ate step. Isang araw habang nagluluto ang aking ina, naglalaro naman si ate step sa labas ng Makita siya ng aking ama, nilapitan ito at kinausap, ng Makita aito ng aking ina nilapitan niya ito, sa dahilang baka kidnapin si ate step. Pero iba ang nangyari. Kinalaunan nanging magkaibigan ang aking ama at ina. Bitbit si ate step habang sila ay namamasyal kung walang pasok ang aking ina sa trabaho. Di nagtagal niyaya ng aking ama na magpakasal ang aking ina. Buti nalang di pa kasal sa ina sa una niyang asawa kaya
Malaya intong makapag-pakasal sa iba.
Di naglaon lumaki ang pamilya dumating si ate mic, ako at si ian ang bunso. Itinago ni ama at ina ang katotohanang di buo na kapatid naming si ate step para maiwasan ang gulo.
Naging maayos ang magsasama ng aking ina at ama, pero habang tumatagal nagging malupit ang tadhana sa amin. Si ama ay nagiging abosado na, umuuwi ng bahay na lasing at kung minsan sinasaktan ang aking mga kaptid.
Nanging masakit ito sa akin bilang  panganay sa lalaki, hindi nagging madali ang buhay. Sabi nila para itong gulong minsan nasa itaas ka minsan naman nasa ibaba. Panalangin ko lang noon na tumigil na si ama sa pag-lalasing.
Isang araw, nalaw kami ng kaibigan ni ama. Isa siyang Pastor sa isang simbahang malapit sa amin ninaanyayahan kami ng kaibigan ni ama para magsimba. Simula noon may kaunting pag-babago sa buhay naming. Ang aking ama, hinsi na mashadong naglalasing, pero hindi mawala sa kanya na uminum nag-alak, alam kong ito na ang paraan upang tuluyan ns siyang mag-bago sa kanyang bisyo. Laking pasalamat ko nalang na kahit may bisyo si ama, hindi parin nya kami pinababayaan
No comments