MAINIT NA PAGMAMAHALAN…. Nakalulungkot sabihin, ngunit halos isa lamang sa bawat sampumg misis ang may tunay na kasiyahan sa seks. Bakit?
Malaking bahagi ng pagkakamali ay nasa panig ng mister. Siya ay masyadong mapilit, nagmamadali, walang pakundangan, masyadong makasarili,masyadong magaspang.
ANG SEKS SA BUHAY MAY-ASAWA…
Hindi maaaring ihiwalay ang seks sa buhay mag-asawa. Hindi ito nakahiwalay na kumpartamento. Ang mabuti o masamang epekto nito ay tumatagos sa ating buong buhay. Kung tayo’y nasisisyahan sa ating buhay-sekswal, napalalalim natin ang ating kakayanan para sa bawat anyo ng pagmamahalan. Ito’y nagdudulot ng panloob na katatagan, at mas maayos na ugnayan sa ating pamilya, kaibigan, at mga kasama sa trabaho.
WALANG KAALAMAN AT MALING PANANAW…
Ang pinakamabigat na kaaway ng pagkakasundong sekswal ay ang kawalan ng kaalaman at maling pananaw. Di pagkaalam na ang seks ay isang bahagi lamang ng kabuuan. Sa katotohanan, ang seks ay espirituwal at emosyonal na karanasan. Ang mga maling pananaw ay mga kaaway dahil napakarami karamihan mga mister ang nagiisip na ang karanasang sekswal ay kanilang karapatan at pribilehiyo at wari’y walang halaga ang damdamin ng mga kabiyak.
Ang totoo, ang huwarang buhay sekswal ay hindi basta-basta nangyayari. Unang-una, ito’y produkto ng isang tunay na pag-ibig na di-makasarili, pagkatapos ay ng matalinong pamamaraan at maingat na pagpaplano. Malalaman ng isang matalinong mister na sa kanyang misis ang seks ay hindi lamang pisikal na karanasan, kundi bahagi ng pagpapahiwatig ng pagmamahal, pagmamalasakit, paglalambing at pagiging maalalahanin.
MGA KAKULANGAN NG MGA MISTER
Napakaraming mga mister ang kaagad nagpapawalng-halaga sa seks. Nagiging pabaya at padalus-dalos, at itinuturing ang seks bilang gawi at pangangailangan ng katawan. Hindi nila nauunawaan na ang seks ay maaaring patuloy na maging kagalakan at kasiyahan sa kanilang mag-asawa.
Karaniwan ang mga mister ay nag-mumungkahi at humihingi ng pakikipagtalik nang mabilisan at sa paraang brutal. Walng anumang paghahanda, paglalambing, walang pagmamahal. At pagkatapos, ay walang malambing na pagtatapos, walang pagpapakita ng malalim na kasiyahan, walang pagpapasalamat sa pagbibigay ng asawa. Ang totoo, ang pinaka-nakasisiyang kaligayahang sekswal ay pinaplano. Ang oras ay dapat pagkasunduan nang maaga. Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang di pagkakaunawaan at pagsama ng loob. Magkaroon din dagdag na kasiyahan sa pananabik. Maaaring kasabikan ng isa’t isa ang oras na iyon. Hindi maliit na bahagi ng kasiyahan. Kasama rito marahil ay ang pagpaplano ng kaayusan ng paligid, ng tamang pananamit at kalinisan.
Ngayon ay naisip kong ang mag misis ay mayroong bahagi sa lahat ng ito, at mayroon din silang pagkakamali at pagkukulang. Ngayon ay pagusapan muna natin ang pagkukulang ni mister.
PAGIGING MALINIS SA PANGANGATAWAN
Napakahalaga para sa mister na maging malinis. Ang paliligo, pagaahit at pagpapabango ay lalong makatutulong kay misis upang tumugon nagng may pananabik. Madali mong makikita ang problema ng misis kung si mister ay hindi malinis.
Sa iba, ang isang napagkasunduang oras ay nakatutulong. Nagagawang mabuti ang paghahanda at nagkakaroon ng pananabik sa paghihintay. Kabaligtaran nito ang mga mister na humihiling ng kasiyahan sa anumang oras at lugar na kanyang maisipan. Hindi madaling makita na ang ganyang ugali ay maaaring pumigil sa tunay na kaligayahan.
Ang halimbawa ng karamihang pulot-gata ay nakapagbibigay-liwanag. Napakadalang na pulot-gata ang nagkakaroon ng kasiyahan sa sekswal na paraan.
Simple ang dahilan nito…ang pagkakasundo ng dalawa ay nangangailangan ng panahon. Ang tagumpay ay marahan kung dumating. Kung minsan ay umaabot ng taon. Dapat ay mayroong pagtitiyaga at mapagmahal na pagmamalasakit. Simple ang aral dito, malaki ang magagawa ni mister upang matamo ang lubos na pagtugon kung sila ay magtatalik nang may pagtitiyaga at paglalambingan hanggang sa ang ninanasang abutin ay makamit. Tiyak ang resulta ay sulit.